dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Freddy sa Malawi, Southeastern Africa, pumalo na sa halos 200

Sumampa na sa 190 indibidwal ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Freddy sa Malawi, sa Southeastern Africa.

Ayon sa Department of Disaster Management Affairs, umabot na sa 584 katao ang sugatan habang 37 ang nawawala.

Anila, patuloy rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad at pagtulong sa mga biktima ng sakuna.

Nagbabala naman ang Malawi Ministry of Natural Resources and Climate Change na bagamat humina na ang bagyo ay magdudulot pa rin ito ng pag-ulan at pagbaha sa naturang lugar.

Nabatid na isinailalim ng pamahalaan ng Malawi sa state of calamity ang 10 Southern districts na pinaka-naapektuhan ng nasabing bagyo.

About The Author