dzme1530.ph

Bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa lumubog na barko sa West Africa, umakyat na sa 21

Pumalo na sa 21 ang kumpirmadong nasawi matapos marekober ng mga otoridad ang karagdagang 15 katawan ng mga pasahero sakay ng lumubog na barko sa karagatang sakop ng West Africa.

Ayon sa pamunuan ng Esther Miracle Ferry, lulan ng nasabing barko ang 161 passengers na patungo sanang Port-Gentil mula sa Libreville nang lumubog ito malapit sa coastal village ng Nyonie.

Sinabi ni Bekale Meyong, Head ng rescue operations, na umabot na sa 124 na katao na ang kanilang na-rescue nitong Martes.

Samantala nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations sa 31 pang nawawalang indibidwal habang kasalukuyang pang inaalam ang sanhi ng insidente.

About The Author