dzme1530.ph

Creamline, handang sumabak sa semifinals ng PVL All-Filipino Conference kahit wala si Alyssa Valdez

Nakaabante ang Creamline Cool Smashers sa semifinals ng PVL All-Filipino Conference 2023 kahit wala si Alyssa Valdez.

Tinapos ng Cool Smashers ang kanilang elimination assignments sa pamamagitan ng four-set victory laban sa Akari Chargers, para makapasok sa playoffs bilang top seeded team.

Sa kabila ng hindi paglalaro ni Valdez, tinapos ng Creamline ang elimination round, sa 7-1 record, na ang tanging talo ay mula sa F2 logistics cargo movers.

Sinabi ni Head Coach Sherwin Meneses na naihanda na nila ang kanilang sarili na maglaro sa conference nang hindi kasama ang injured na multi-awarded outside spiker.

Idinagdag ni Meneses na sa ngayon ay hindi pa talaga puwedeng maglaro si Valdez dahil nagpapagaling pa rin ito mula sa tinamong knee injury.

About The Author