dzme1530.ph

2 INDIBIDWAL NA NAKITA SA VIDEO KASAMA NG NAWAWALANG SABUNGERO, SINAMPAHAN NA NG REKLAMO

Sinampahan ng kaso sa Department of Justice ang pamilya ni Michael Bautista, isa sa mga nawawalang sabungero, laban sa isang Farm Manager at isang security guard sa Manila Arena.

Isinampa nina Ma. Concepcion Bautista at Ryan Bonda Bautista ang reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o kidnapping at serious illegal detention.

Ang pagsasampa ng asunto ay matapos makilala si Bautista ng kanyang misis at kapatid na nasa isang video habang pinoposasan ng dalawa umanong pulis sa labas ng sabungan sa Santa Cruz, Laguna.

Inilabas na rin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang composite sketches ng dalawang suspects kasunod ng paglabas ng video.

Nahaharap din ang mga indibidwal sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-CIDG.

Sa inisyal na report ng pnp, nawala ang mga sabungero matapos dumalo sa sabong sa Sta. Cruz noong Enero 13.

About The Author