dzme1530.ph

BIFF sub-commander na sangkot sa panununog ng patrol car at pamamaril sa loob ng simbahan, nasakote ng mga awtoridad

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang hinihinalang sub-commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Bayan ng Datu Piang, na sangkot umano sa panununog ng police mobile at pamamaril sa loob ng Simbahan sa Maguindanao Del Sur noong 2020.

Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group, ang suspek na kinilalang si alyas Bayawak ay nahaharap sa patong-patong na kaso, kabilang ang attempted murder, multiple murder, frustrated murder, paglabas sa Anti-Terrorism Act, at destructive arson.

Ang grupo ni Bayawak na binubuo ng mahigit 100 miyembro, ang itinuturong umatake sa komunidad at nang-harass ng mga sibilyan sa Datu Piang noong December 2020.

About The Author