dzme1530.ph

BI, DFA, pagpapaliwanagin kasunod nang pagtakas ni Harry Roque

Loading

Pipilitin ng House Quad Committee ang Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs na ipaliwanag kung bakit nakalabas ng bansa si dating pres’l spokesman Harry Roque.

Ito’y matapos bumalandra sa iba’t ibang news at online channel si Roque na nasa The Hague, Netherlands at pumapapel bilang counsel ni former President Rodrigo Duterte sa ICC.

Si Roque ay ipinaaaresto ng Quad Comm matapos na hindi siputin ang mga pagdinig kaugnay sa kuneksyon nito sa illegal POGO.

Simula noong nakaraang taon hinahanap na ng pulisya si Roque.

Nilinaw naman ni Quad Comm over-all head Rep. Robert Ace Barbers na hindi sila pwedeng humingi ng tulong sa Interpol para arestohin si Roque sa kadahilanang ang contempt order ay applicable lamang dito sa Pilipinas.

About The Author