dzme1530.ph

Bente pesos per kilo na bigas, mabibili sa Kadiwa Center sa Quezon City sa mayo a-dos, ayon sa Palasyo

Loading

Mabibili ang bente pesos na kada kilo ng bigas sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) Kadiwa Center sa kahabaan ng Visayas avenue, sa Quezon City sa May 2.

 

Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang anunsyo, sa press briefing sa Malakanyang, kanina.

 

Sinabi ni Castro na ang initial rollout ng 20 pesos per kilo na bigas ay sa Cebu sa May 1.

 

Sa ilalim ng programa, bawat pamilya ay maaring bumili ng hanggang sampung kilo ng bigas kada linggo o kabuuang apatnapung kilo kada buwan.

 

Ang pilot rollout ay magsisimula sa Visayas, kasunod ng closed-door meeting ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labindalawang gobernador sa rehiyon, sa Cebu Provincial Capitol noong nakaraang linggo.

About The Author