dzme1530.ph

Bea Alonzo at Julia Barretto, magkabati na

Muling napatunayan na “time heals all wounds.”

Ito’y makaraang maispatan na nag-uusap at nagtatawanan pa ang dating magkagalit na sina Bea Alonzo at Julia Barretto sa tribute party ng showbiz starmaker na si Johnny Manahan.

Ang dalawang aktres ay nakuhanan ng video na nagkukwentuhan sa Night of 100 Stars Party ni Mr. M, ng isang @peachypeachy888 at in-upload sa tiktok.

Maraming fans ang natuwa na nagkaayos na ang dalawa, makalipas ang ilang taon matapos magkasira dahil sa aktor na si Gerald Anderson na ex ni Bea at boyfriend ngayon ni Julia.

About The Author