dzme1530.ph

BCDA, nag-remit ng P1.1B  sa Bureau of Treasury

Nag-remit ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng 1.1 billion pesos na dibidendo sa Bureau of Treasury.

Dahil dito, lumobo na sa 9.6 billion pesos ang total remittance ng BCDA sa treasury simula noong 1992.

Inihayag ni BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang, na ang 2024 remittance ay doble ng kanilang kanilang ni-remit na 527 million pesos noong 2023.

Sinabi pa ni Bingcang na ang kanilang dibidendo ay nagbibigay ng karagdagang suporta para sa mga gastusin at sa mga hakbang ng pamahalaan para lumago ang ekonomiya.

About The Author