Nanumpa na ang veteran TV Journalist na si Jay Ruiz bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa harap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. nanumpa si Ruiz bilang ika-4 na kalihim ng PCO sa ilalim ng administrasyon Marcos.
Tiniyak ni Ruiz na sa kanyang pamamahala, lalabanan niya ang disinformation, at titiyakin nito na makakaabot sa publiko ang impormasyon ng lahat ng proyekto ng Pangulo.
Kasama ni Ruiz na nanumpa si Atty. Claire Castro, na magsisilbi naman bilang Undersecretary at Palace Press Officer ng PCO.
Si Ruiz ay manunungkulan nilang PCO Secretary simula sa March 1, 2025, at papalitan nito si Outgoing Sec. Cezar Chavez na nagbitiw sa pwesto noong February 5 dahil sa umano’y kabiguan nitong maabot ang expectations sa kanya.