dzme1530.ph

Bagong panuntunan sa towing at impounding, ipatutupad ng MMDA sa susunod na taon

Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang revised guideline sa towing at impounding operations sa National Capital Region (NCR) sa susunod na taon.

Ayon sa MMDA, ito ay upang matugunan ang reklamo ng mga may-ari ng mga sasakyan na tino-tow matapos tumirik sa gitna ng kalsada.

Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes, na kabilang sa mga babaguhin ang bagong taripa base sa distansya.

Bibigyan din ang mga driver at owners ng option kung nais nilang iuwi, i-park sa mall o i-diretso sa talyer ang tumirik na sasakyan, sa halip na otomatik na i-tow patungo sa impounding area ng mmda sa Tumana, sa Marikina City.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang bigat ng trapiko at gastos sa bahagi ng driver o owner ng nasirang sasakyan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author