dzme1530.ph

Babaeng pasahero papaalis ng bansa patungong Hong Kong hinarang sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng PNP AVSEGROUP sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang papaalis na babaeng pasahero sa departure area patungong Hong Kong.

Batay sa inisyal report ng NAIA T3 Police Station, ang pasahero ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong Estafa na inisyu ni Presiding Judge Guilljie Delfin-Lim, ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, ng Iloilo City.

P10,000.00 ang inirekomendang piyansa ng Korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Warrant and Subpoena Section ng Pasay City Police Station ang naturang suspect na isinailalim sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

About The Author