dzme1530.ph

Lalaking pasahero papaalis patungong Narita, Tokyo Inaresto sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at Barbosa Police Station 14, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang isang lalaking pasahero habang papasakay ito ng eroplano patungong Narita Tokyo, Japan.

Ayon sa AVSEGROUP ang pag-aresto sa pasahero ay dahil sa bisa ng Warrant of arrest na inisyu ni Presideng Judge Emma C. Matammu, ng Regional Trial Court, Branch 269, Valenzuela City.

Ang nasabing akusado ay may kinakaharap na kasong Frustrated Homicide kung saan P24,000 ang inirekundang piyansa ng Korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Barbosa PS-14 ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

About The Author