dzme1530.ph

Digitization, ipatutupad sa Senado

Ipinag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na i-digitize ang mga records ng Senado kabilang ang mga landmark laws at bumuo ng tracking app para madaling ma-access ng publiko.

Kasabay ng kanyang inspeksyon sa bawat tanggapan sa Senado, inatasan ni Escudero ang Legislative Records and Archives Services (LRAS) na pag-aralan ang digitization ng mga batas hindi lamang simula noong 1987 kundi ang mas matagal nang mga polisiya.

Kailangan din anyang ma-digitize ang Senate journal at transcripts upang madali itong maaccess ng mga historian, researcher at ng publiko.

Ipinag-utos din ng senate leader na tukuyin ang kahit 100 major law tulad ng Labor Code, National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act, Intellectual Property Law, at Local Government Code at ilagay ito sa tracking system o app na madaling makikita ng mga researchers.

Kasabay nito, nakita rin ni Escudero ang mga dapat ayusin na mga equipment at pasilidad kasama na ang air conditioning unit na ilang linggo na ring sira.

Iginiit ng Senador na patuloy niyang aalamin ang mga pangangailan upan maimprove ang kondisyon ng pagtatrabaho sa Senado para matiyak ang maayos na serbisyo sa publiko.

About The Author