dzme1530.ph

Author name: DZME

Quad Comm report, gagamitin ng DOJ upang pagtibayin pa ang mga ebidensya at kaso laban sa mga dawit sa EJK

Loading

Gagamitin ng Dep’t of Justice ang report ng Quad Committee ng Kamara, upang pagtibayin ang mga ebindensya at kaso laban sa mga dawit sa Extrajudicial Killings, sa panahon ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa bagong pilipinas ngayon public briefing, inihayag ni DOJ Undersecretary Jesse Andres na bago pa man matapos ang […]

Quad Comm report, gagamitin ng DOJ upang pagtibayin pa ang mga ebidensya at kaso laban sa mga dawit sa EJK Read More »

January 16, 2025, idineklarang special non-working day sa Navotas para sa City founding anniversary

Loading

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang special non-working day sa Navotas City sa January 16, 2025. Ito ay para sa ika-isandaan at labing-siyam na founding anniversary ng lungsod. Sa proclamation no. 761, nakasaad na nararapat na mabigyan ng buong oportunidad ang mga mamamayan ng navotas na makiisa sa selebrasyon. Samantala, deklarado rin ang

January 16, 2025, idineklarang special non-working day sa Navotas para sa City founding anniversary Read More »

DFA, hinimok na magkaloob ng legal assistance sa lahat ng mga Pilipinong nahaharap sa mga kaso sa ibayong dagat

Loading

Hinimok ni Senate President Francis Escudero ang Department of Foreign Affairs na magkaloob ng legal assistance sa iba pang Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat upang matiyak na sila ay mapapalaya. Umaasa si Escudero na ang kaso ni Mary Jane Veloso ay una lamang sa mga matagumpay na matutulungan ng gobyerno sa mga Pilipinong nahaharap sa

DFA, hinimok na magkaloob ng legal assistance sa lahat ng mga Pilipinong nahaharap sa mga kaso sa ibayong dagat Read More »

Desisyon ni Pangulong Marcos na ipagpaliban ang paglagda sa 2025 budget, nirerespeto ng House leaders

Loading

Nirerespeto ng mga lider ng Kamara ang desisyon ng Office of the President (OP) na i-reschedule ang paglagda sa proposed 2025 budget. Ito ay upang mabigyan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapag-aralang mabuti ang panukalang pondo, kasunod ng concerns sa ilang budget realignments ng mga miyembro ng bicameral committee. Original na itinakda ang paglagda

Desisyon ni Pangulong Marcos na ipagpaliban ang paglagda sa 2025 budget, nirerespeto ng House leaders Read More »

House QuadComm, pinakakasuhan sina FPRRD, Senators dela Rosa at Go dahil sa mga nangyaring patayan sa war on drugs

Loading

Inirekomenda ng House Quad Committee ang pagsasampa ng mga kaso laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bato dela Rosa, Senador Bong Go, at ilan pang personalidad, dahil sa mga nangyaring patayan sa drug war ng nakalipas na administrasyon. Sinabi ni Quadcomm Lead Chairperson, Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na nilabag nina Duterte, dela

House QuadComm, pinakakasuhan sina FPRRD, Senators dela Rosa at Go dahil sa mga nangyaring patayan sa war on drugs Read More »

Matagal na pangangalaga ng Indonesia sa kaligtasan at kapakanan ni Mary Jane Veloso, itutuloy ng Pilipinas —PBBM

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ni Mary Jane Veloso, na matagal ginawa ng Indonesia. Ito ay kasabay ng pag-welcome ng Pangulo sa pag-uwi sa bansa ni Veloso matapos ang mahigit isang dekadang pagkakakulong sa Indonesia dahil sa drug trafficking. Ayon kay Marcos, titiyakin

Matagal na pangangalaga ng Indonesia sa kaligtasan at kapakanan ni Mary Jane Veloso, itutuloy ng Pilipinas —PBBM Read More »

Pag-aaral sa inaprubahang budget ng Kongreso, karapatan ng Malakanyang

Loading

Walang nakikitang masama si Senate President Francis Escudero sa aksyon ng Malakanyang na ipagpaliban ang paglagda sa panukalang 2025 budget na unang itinakda sa December 20. Sinabi ni Escudero na karapatan at prerogative ng Malakanyang na repasuhin at pag-aralan muna ang nilalaman ng ipinasang 2025 national budget ng Kongreso bago ito lagdaang ng Pangulo. Karapatan

Pag-aaral sa inaprubahang budget ng Kongreso, karapatan ng Malakanyang Read More »

Senado, nagdoble ng seguridad kasunod ng bomb threat

Loading

Kinumpirma ni Senate President Francis Escudero na nakatanggap ang Senado ng bomb threat sa pamamagitan ng kanilang social media account. Ito ang dahilan ng matinding paghihigpit sa seguridad ngayon sa paligid ng compound ng Senado. Sinabi ni Escudero na bagamat hindi nila ikinukunsiderang credible at seryoso ang banta, kinakailangan pa ring magpatupad ang Office of

Senado, nagdoble ng seguridad kasunod ng bomb threat Read More »

Mga kasunduan sa 5 malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao, nilagdaan sa Malakanyang

Loading

Sinelyuhan sa Malakanyang ngayong Miyerkules ang mga kasunduan sa limang malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao. Sa signing ceremony sa Palasyo na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nilagdaan ang contract package para sa pagtatayo ng 16.9 billion peso New Cebu International Container Port, at target itong makumpleto sa Nov. 2027. Pinirmahan

Mga kasunduan sa 5 malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao, nilagdaan sa Malakanyang Read More »