Umabot sa 50.1 million ang passenger traffic sa Ninoy Aquino International Airport.
Binasag nito ang lahat ng dating records, matapos malagpasan ng travel demand ang pre-pandemic levels.
Sa pahayag ng San Miguel-led New Naia Infrastructure (NNIC), mas mataas ng 5% ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa naia noong nakaraang taon.
Kumpara ito sa pre-pandemic peak na 47.9 million noong 2019 na pinakamataas sa kasaysayan.
Bukod sa record-high na bilang ng mga pasahero, naabot din ng naia ang pinakamaraming flights noong 2024 na naitala sa 293,488 – mas mataas ng 8.08% kumpara noong 2019. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera