dzme1530.ph

47 POGOs sa bansa, sarado na

Napasara na ng Department of the Interior and Local Government ang natitirang 47 Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Ito’y kasunod ng nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na Executive Order no. 74, na nagdedeklara ng total ban sa POGO at internet gaming licenses (IGLs) sa bansa hanggang sa katapusan ng taong 2024.

Sa isang panayam, sinabi ni Interior Sec. Jonvic Remulla na sa orihinal na 148 noong 2022, 47 rito na may POGO license ay sarado na.

Ayon pa sa kalihim, 90% ng nabigyan ng mga working visas ay lumipat na sa ibang bansa tulad ng Laos at Cambodia kung saan hinihinalang itatayo ang mga bago at malaking POGO cities.

Dagdag pa ni Remulla, nakahanda ang lahat ng LGU sa pagsasagawa ng inspeksyon sa bawat building ng kanilang nasasakupan, lalo kung may kahina-hinalang operasyon ng POGO sa lugar. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author