Nanumpa ang election official na si Atty. Noli Rafol Pipo sa kanyang bagong tungkulin bilang Comelec commissioner.
Pupunan ni Pipo ang binakanteng pwesto ng nagretirong si Comelec Commissioner Marlon Casquejo.
Nagsimula ang career ni Pipo sa poll body bilang Election Officer III sa Bangued, Abra simula 1993 hanggang 1996, bago nagsilbing Provincial Election Supervisor ng Ilocos Norte simula Feb. 1996 hanggang Jan. 2024.
Nagsilbi rin siya bilang Regional Election Director simula 2006 hanggang sa ma-appoint siya bilang Commissioner.
Inihayag naman ni Comelec Chairman George Garcia na ang appointment ng dalawang bagong commissioners na sina Maria Norina Casingal at Pipo ay pagkilala sa kanilang matagal na paglilingkod sa poll body.