Aminado ang senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na malabong makuha nila ang 12-0 win sa May midterm elections.
Sinabi ni dating Senate President Tito Sotto na best effort lamang sila para sa ganitong kampanya para matiyak ang panalo ng buong slate ng Alyansa.
Ipinaliwanag ng dating lider ng Senado na mahirap mapredict ang mga pangyayari sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo bago ang eleksyon.