dzme1530.ph

Alokasyon sa MWSS mababawasan sakaling ma-delay ang pag-ulan

Maaaring bawasan ng National Water Resources Board (NWRB), ang kanilang water allocation sa mga water concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sakaling ma-delay ang pag-ulan sa Abril.

Nabatid na may dalawang water companies ang MWSS; ang Maynilad at Manila Water, na siyang nagdadala ng tubig sa mga kabahayan sa buong Metro Manila, at ilang bahagi ng Cavite at Rizal.

Ayon kay Carlos Primo David, Undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), maaari pang maramdaman ang epekto ng El Niño phenomenon hanggang Hunyo o Hulyo ng taong kasalukuyan.

Dahil dito, nagpaalala si David na maging matipid sa paggamit ng tubig gayundin sa pag-re-recycle nito.

About The Author