dzme1530.ph

Alessandra De Rossi at Empoy, magbabalik takilya sa March 23

Muling pakikiligin nina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez ang kanilang fans sa bagong pelikulang “Walang Kaparis,” anim na taon makalipas ang kanilang hit film na “Kita Kita.”

Ang pelikula na ipalalabas sa isang sikat na streaming platform sa March 23 ay kinuha ang titulo sa salitang “Kapares” at sa City of Paris sa France.

Ang excitement na nararamdaman ni Alessandra ay ipinadaan niya sa kanyang Instagram page, gayundin si Empoy na biniro pa ang kanyang ka-loveteam kung talaga bang kinikilig ito sa kanya o nasisikipan lamang sa suot na damit.

Agad namang nagpaabot ng pagbati ang kapwa celebrities, kabilang sina Piolo Pascual na siyang producer ng pelikula, Chynna Ortaleza-Cipriano, Isabel Oli-Prats, Paolo Paraiso, Ebe Dancel, Japoy Lizardo, Kych Minemoto, at Baron Geisler, kina Alessandra at Empoy para sa kanilang upcoming film, at nagsabing excited din sila sa pagtatambal ng dalawa sa ikalawang pagkakataon.

Unang nagsama ang sina Alessandra at Empoy sa 2017 hit movie na “Kita Kita” na itinuturing na highest grossing independent film sa bansa makaraang kumita ng mahigit P300-M sa loob ng tatlong linggo.

About The Author