dzme1530.ph

Agri trade deficit, nabawasan ng 2.8% noong Enero

Loading

Bumaba ng 2.8% o sa $1 billion ang trade deficit sa agricultural goods noong Enero, kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat ang agricultural exports sa $715.25 million noong unang buwan ng 2025 mula sa $538.68 million noong January 2024.

Nakasaad din sa tala ng PSA na tumaas din ang agricultural imports ng 9.4% o sa $1.72 billion sa naturang buwan.

Inihayag ng ahensya ang $2.43 billion na kabuuan para sa agricultural trade noong Enero ay lumobo ng 15.4% mula sa 10.5% na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

About The Author