![]()
Maagang lumabas si Filipina tennis ace Alex Eala sa Singapore Tennis Open matapos kapusin laban kay Tatiana Prozorova ng Russia, 6-4, 5-7, 3-6, sa Round of 16.
Sunod na makakasagupa ni Prozorova si Wang Xinyu ng China sa quarterfinals ng tournament.
Inaasahan naman ang sunod na paglahok ng bente uno anyos na Pinay tennis superstar sa nagpapatuloy na Asian Games sa Japan para katawanin ang Pilipinas.
