![]()
Ang choking o pagkabara ng daanan ng hangin ay isang emergency na nangangailangan ng agarang tulong.
Ayon sa mga doktor, kapag hindi makapagsalita, makaiyak, o makahinga ang biktima, hikayatin muna siyang umubo kung kaya pa.
Kung ganap nang nabarahan ang hangin, magbigay ng limang back blows sa pagitan ng mga balikat, na susundan ng limang abdominal thrusts sa mga adult at batang lampas isang taon.
Para sa mga sanggol na wala pang isang taon, huwag gumamit ng abdominal thrusts.
Sa halip, gumamit ng back blows at chest thrusts na may tamang paraan.
Paalala ng mga eksperto, agad tumawag ng tulong kung hindi maalis ang bara o kung nawalan ng malay ang biktima, dahil ang mabilis at tamang first aid ay maaaring makapagliligtas ng buhay.
