dzme1530.ph

agpapalawig ng sim card registration, hindi pa ikinokonsidera ng DICT

Nilinaw ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na hindi pa nila ikinokonsidera ang pagpapalawig ng Sim Card Registration.

Ayon kay DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo, bagama’t prerogative ng departamento na magkaroon ng 120 days extension upang mas marami ang makapagparehistro ng sim, wala pa silang nakikitang pangangailangan na palawigin ito.

Paliwanag niya, patuloy ang pagdami ng mga nagpaparehistro ng sim lalo’t walang tigil aniya ang paalala ng kanilang kagawaran na ang mga sim na hindi narehistro hanggang April 26, 2023 ay otomatikong made-deactivate.

Batay sa datos ng DICT, umabot na sa 27.12% o 45.8-M sim cards ang nakarehistro mula sa kabuuang 169.9-M sim subscribers sa buong bansa.

About The Author