dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, nadagdagan!

Bahagyang nadagdagan ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan.

Batay sa talaan ng PAGASA Hydrometeorology Division, alas-6:00 kaninang umaga, aabot na sa 77.95 meters ang water level sa La Mesa Dam, makaraang madagdagan ng 0.04 meters, habang nasa 750.23 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam, 571.52 meters sa Binga Dam, at 287.39 meters naman sa Caliraya Dam.

Samantala, bumaba naman sa 186.15 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam mula sa 186.55 meters na naitala noong Linggo, June 18. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author