dzme1530.ph

Philippine Red Cross, hinikayat ang publiko na kumpletuhin ang bakuna vs COVID-19

Hinimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na kumpletuhin ang COVID-19 vaccine booster shots para masiguro ang optimal protection kontra virus.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang kumpletong COVID booster shots ay nagpapalakas sa immune system at nagbibigay proteksyon rin sa kalusugan ng iba laban sa naturang sakit.

Maaari aniyang bumisita ang mga nais magpa-booster shot sa logistics at multipurpose center ng PRC sa Mandaluyong City bilang suporta na rin ng ahensya sa vaccination campaign ng pamahalaan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author