Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao Del Norte, kaninang alas-1:33 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim ang lindol na 25 kilometers at tectonic ang origin nito.
Umabot sa Intensity III ang naitalang instrumental intensities sa- Hinunangan, Southern Leyte; Intensity II – City of Surigao, Surigao Del Norte; Intensity I – Dulag, Leyte; City of Borongan, at Quinapondan, Eastern Samar.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala ngunit kailangang paghandaan ang mga aftershock matapos ang pagyanig. —sa panulat ni Joana Luna