dzme1530.ph

Petition kontra BARMM Electoral Code, suportado ng Bangsamoro governors

Suportado ng BARMM Governors Caucus ang petition na kumukuwestiyon sa binalangkas na BARMM Electoral Code (BEC).

Ang BARMM Governors Caucus (BGC) ay binubuo ng mga gobernador ng Lanao Del Sur, Maguindanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Nilinaw ni Lanao Del Sur Governor at BGC Spokesman Mamintal Adiong Jr. na ang kanilang pagsuporta sa petisyon ay hindi nangangahulugan na sila ay kontra sa pamahalaan ng BARMM kundi isang paraan lamang nang pagtatama ng mga maling nangyayari sa rehiyon.

Ayon pa sa gobernador, dapat ay maramdaman ang strong rule of law sa rehiyon upang ganap nang makausad ang BARMM patungo sa ginhawa ng rehiyon at mga mamamayan nito.

Umaasa ang BARMM Governors Caucus na mareresolba ng Kataas-Taasang Hukuman ang petition sa lalong madaling panahon. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author