dzme1530.ph

Publiko walang dapat ikabahala sa naganap na magnitude 6.3 na lindol

Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko hinggil sa naranasang magnitude 6.3 na lindol sa Bayan ng Calatagan sa Batangas kahapon.

Ayon kay PHIVOLCS Dr. Teresito Bacolcol, normal lang ang naranasang lindol sa lugar na mula sa Manila Trench.

Hanggang ala-6 kanina aabot sa 30 na aftershocks ang naitala na may lakas na magnitude 1.4 hanggang 3.1.

Sinabi pa ng PHIVOLCS Director na nasa 119 kilometers ang lalim ng lindol kung kaya’t kung magkakaroon man ng pinsala, ay posibleng minor damages lamang ang maitatala.

About The Author