dzme1530.ph

Judy Ann Santos, inaming naging ‘pakawala’ noong kabataan

Inamin ni Judy Ann Santos na may punto sa kanyang buhay na nawalan siya ng interes sa lahat, sa kabila ng tagumpay niya sa showbiz, at pag-inom ng alak ang naging daan niya para mailabas ang kanyang frustrations.

Ibinahagi ng aktres na ang high points ng kanyang career ay siya namang naging dahilan ng low points sa kanyang buhay.

Aniya, may pagkakataon na gumawa siya ng tatlong pelikula at dalawang shows sa loob lamang ng isang taon, subalit unti-unting nawalan siya ng gana sa buhay, nalungkot, at pakiramdam niya ay wala siyang mapagkakatiwalaan.

Itinuturing naman ni Juday na rebellious phase ng kanyang buhay, ang kanyang teenage years kung saan umiinom, lumalabas, at naglalasing siya, at inilarawan niya ang sarili na “pakawala.”

Nilinaw din naman ng aktres na kailanman ay hindi nagdulot ng eskandalo sa publiko ang bahaging iyon ng kanyang kabataan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author