dzme1530.ph

2 police generals at 48 iba pa, kinasuhan na kaugnay ng P6.7-B drug haul

Inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sinampahan na ng reklamong kriminal ang 50 police officers na umano’y sangkot sa kontrobersyal na 990kg shabu drug haul sa Maynila na nagkakahalaga ng P6.7-B.

Sinabi ni Abalos na inihain ng National Police Commission at PNP sa Office of the Ombudsman ang mga reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Comprehensive Dangerous Drugs Act, Perjury, Malversation of Public Property, at Obstruction of Justice.

Sa 50 pulis, 12 ang commissioned officers, kabilang sina Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., Brig. Gen. Narciso Domingo, at Colonel Julian Olonan habang 38 naman ang non-commissioned officers.

Kasama rin sa listahan si dismissed Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na inaresto bunsod ng illegal drug haul noong October 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author