dzme1530.ph

Denver Nuggets, nasungkit ang kanilang kauna-unahang NBA title

Ipinagdiwang ng Denver Nuggets ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa loob ng 47 seasons ng NBA makaraang talunin ang Miami Heat sa score na 94-89, sa Game 5 ng 2023 NBA Finals sa Ball Arena sa Denver, Colorado.

Itinanghal naman si Nikola Jokic bilang NBA Finals Most Valuable Player makaraang pangunahan ang Nuggets sa pamamagitan ng kanyang 28 points, 16 rebounds, at 4 assists.

Nag-ambag din si Michael Porter Jr. ng 16 points at 13 rebounds habang si Jamal Murray ay nakapagtala ng 14 points, 8 rebounds at 8 assists para sa tagumpay ng Denver.

Samantala, pinangunahan naman ni Jimmy Butler ang Miami sa kanyang 21 points habang si Bam Adebayo ay nagdagdag ng 20 points at 12 rebounds. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author