dzme1530.ph

10 patay, 25 sugatan sa bus accident sa Australia

Patay ang 10 indibidwal habang 25 ang sugatan sa aksidente ng isang bus sa Australia.

Ayon sa mga otoridad, alas-11:30 ng umaga nang tumagilid ang bus malapit sa bayan ng Greta, Hunter region sa Hilagang Kanluran ng Sydney.

Lulan ng nasabing sasakyan ang mga bisita mula sa isang kasal na umano’y patungo na sa kanilang accommodation.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang driver ng bus para sumailalim sa mandatory alcohol at drug testing habang patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng naturang insisente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author