dzme1530.ph

Hiwalayang Andrea at Ricci, trending pa rin!

Usap-usapan pa rin ngayon sa online community ang hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero dahil sa umano’y isyu ng “third-party”.

Hinala ng netizens, dalawa ang posibleng ka-affair ni Ricci, isang beauty queen at isang lalaking volleyball player.

May lowkey flexing kasi ang beauty queen at konsehala na si Leren Mae Bautista sa kanyang socmed accounts na tila sweet na sweet at madalas silang nagba-bonding ni Ricci.

Gayundin ang umano’y “bestfriend lang” na si volleyball player John Vic De Guzman kung saan nakita itong plus one ni Ricci sa binyag ng pamangkin nito.

Sa ngayon ay tikom pa rin ang kampo ng aktres sa isyu ng hiwalayan nila ng basketball player.

Ngunit ngayong araw lang ay may lumabas na controversial video ni Ricci kasama ang isang babae na pinanghihinalaang kuha ng aktres noong nag-surprise visit siya sa condo nito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author