dzme1530.ph

DOE, mahigit na binabantayan ang power plants malapit sa bulkang Mayon

Mahigpit na tinututukan ng Department of Energy (DOE) ang power plants malapit sa Bulkang Mayon.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, bagamat wala silang natanggap na ulat na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan partikular na ang dalawang plantang pinakamalapit gaya ng Tiwi Geothermal Power Plant sa Albay at Bacon-Manito Geothermal Power Plant sa Sorsogon, ay maigi pa rin na nakaantabay sila sa planta para sa mas mabilis na pag-aksyon sa posibleng aberya.

Ani Marasigan, sakali mang magkaroon ng disruption sa linya ng kuryente, mayroon namang black start capability ang Bacon-Manito Geothermal facilities.

Nakabantay din ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa 285 structures sa loob ng 15-kilometer radius ng naturang bulkan.

Tiniyak ng the DOE at NGCP sa publiko na sakali mang magkaroon ng power interruption ay agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mahahalagang establisyimento lalo na sa mga ospital. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author