dzme1530.ph

OP at PCO, nakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month

Nakikiisa ang Office of the President (OP) at Presidential Communications Office (PCO) sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

Ayon sa tanggapan ng pangulo, tumitindig sila kasama ng global community sa pagbuo ng inklusibong mundo kung saan nangingibabaw ang pagmamahalan.

Nakikiisa naman ang PCO sa pagsusulong ng pagkakaisa, respeto sa kapwa, at pantay-pantay na oportunidad para sa lahat.

Binibigyang-pugay din nito ang mga kontribusyon ng LGBTQIA+ community.

Matatandaang kasabay ng Pride Month ay muling umusbong ang mga panawagang ipasa na ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) Bill. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author