Nasa kanyang ikatlong season na si Ray Parks ng paglalaro sa Japan B.League, kasunod ng muling pagpirma niya ng kontrata sa Nagoya Diamond Dolphins para sa 2023-2024 season.
Si Parks na bahagi ng Gilas Pilipinas pool para sa 2023 FIBA World Cup sa Agosto, ay unang napabilang sa Nagoya noong August 2021 makaraang makapag-secure ng clearance mula sa kanyang mother team sa PBA na TNT Tropang Giga.
Sa kanyang season debut, nakapagtala ang Dolphins ng 34 wins at 15 losses habang nag-improve sila sa sumunod na season sa record na 43-17 para sa ika-apat na puwesto matapos ang elimination round. —sa panulat ni Lea Soriano