dzme1530.ph

It’s Showtime! tikom pa rin sa umano’y delayed telecast sa TV5!

Pinabulaanan ng isang insider ng ABS-CBN ang umano’y delayed telecast ng It’s Showtime sa TV5 ngayong opisyal nang nakapasok ang bagong programa ng TVJ sa kaparehong network.

Nakasaad sa “fake statement” ng isang fan blog, sa kapamilya network na lang daw mapapanood sa orihinal na 12NN timeslot ang It’s Showtime habang sa hapon na lamang o delayed ang telecast nito sa TV5 simula Hulyo.

Samantala wala pang inilalabas na official statement ang mismong pamunuan ng It’s Showtime at ABS-CBN kaugnay dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author