dzme1530.ph

OCD, handa sakaling magtuloy-tuloy ang pag-alburoto ng bulkang Mayon

Nakahanda na ang mga lokal na pamahalaan na malapit sa nag-a-alborutong bulkang Mayon kung sakaling kailanganing ilikas ang mga residente na direktang maapektuhan nito ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Pahayag ni OCD Information Officer Diego Mariano, maging ang mga assistance na puwedeng ibigay sa ating mga kababayan na maaapektuhan ay nakahanda na rin.

Aniya, kahit walang major movements sa tatlong aktibong bulkan, patuloy na nakaalerto ang OCD.

Bukod sa Mayon Volcano, naitala rin ang pagsumpong ng Taal at Kanlaon volcanoes, na parehong nasa alert level 1, na nangangahulugan ng low-level unrest. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author