dzme1530.ph

Sec. Teodoro, papasadahan ang Military and Uniform Personnel Pension System

Isa mga utos na binigay ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. kay Sec. Gilbert Teodoro ay asikasuhin ang pension program ng Military and Uniform Personnel (MUP) pension system.

Ayon sa Teodoro, ang problemang ito ang unang gusto ipagawa kay Teodoro matapos siyang italaga sa Department of National Defense (DND).

Ani kalihim, papasadahan niya ang programang ito dahil minsan na siyang namahala ng mga financial institution noong siya ay nasa pribadong buhay.

Kailangan lang aniya na mabalanse ito dahil hindi maaring may isang hanay ang maargabyado o makikinabang.

Gayunman, binigyang diin ni Teodoro na ang mahalagang dapat isa-alang-alang dito ay ang ikabubuti ng mga nakakarami na siyang pangunahing atas ni Pangulong Marcos. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author