dzme1530.ph

TVJ, opisyal nang bahagi ng TV5

Kinumpirma ng Mediaquest President at CEO na si Jane Basas na natagpuan na ng tinguriang pillars of the Philippine entertainment industry na sina Tito, Vic at Joey (TVJ) ang bago nilang tahanan sa TV5.

Sa official statement, tuloy na tuloy na ang pagpo-produce ng TVJ at ng iba pang Dabarkads ng kanilang contents para sa TV5 at sa iba pang Mediaquest platforms.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Tito Sotto kaugnay sa bagong yugto ng kanilang karera matapos ang kontrobersiyal na exodus ng TVJ sa Eat Bulaga! sa GMA-7.

Samantala, nakatakda nang simulan ang renovation ng dalawang studios ng TV5 sa Mandaluyong City para sa noontime show ng TVJ. —sa panulat ni Jam Tarrayo

Maaaring graphic ng text

About The Author