dzme1530.ph

Halos 300 patay sa banggaan ng 2 pampasaherong tren sa India

Aabot sa 288 ang nasawi habang mahigit 1,000 na ang kumpirmadong sugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Odisha India, kahapon.

Ayon kay Odisha Chief Secretary Pradeep Jena, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi ngayong nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad.

Nabatid na nadiskaril at sumalpok ang Howrah Superfast Express, na tumatakbo mula Bangalore hanggang Howrah, West Bengal, sa Coromandel Express na may biyaheng Kolkata hanggang Chennai, alas-7:00 nang gabi, local time sa India.

Daan-daan namang kabataan ang pumila sa labas ng Soro Block Hospital sa Odisha para mag-donate ng dugo.

Tiniyak naman ni India Prime Minister Narendra Modi, na makapagpapaabot ng tulong ang gobyerno sa mga apektadong indibidwal ng naturang aksidente. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author