dzme1530.ph

Isang wanted persons na senior citizen, arestado sa Lungsod ng Maynila

Hindi na nakapalag pa at mapayapa namang sumuko sa mga otoridad ang isang 65 years old na lalaki na matagal nang nagtatago sa batas.

Naaresto ng Manila Police District (MPD) DTPO, Operative of Warrant Section sa pangunguna ni Chief Warrant PCPT Jose Ric Morelos, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Station Commander PLTCol Salvador Bagne Tangdol ng Malate Police Station PS-9.

Nangyari ang pagdakip dakong alas-10:15 ng gabi sa harap ng Manila Residence Tower II sa kahabaan ng Taft Avenue Malate, Manila.

Matapos isilbi ang bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case No. C-14-16873-11 para sa paglabag sa Estafa na inisyu ni Presiding Judge Hon. Bonifacia Carmen Chuchi Ramos ng Municipal Trial Court (MTC) Branch 3, Roxas City, na may petsang Setyembre 10, 2018 for the Service of Sentence.

Kinilala ang wanted na senior citizen na si Laserna, Nicanor Y Barbasa, pamilyado, walang trabaho, at residente ng Legaspi Street corner Gomez Street Roxas, City.

Kasalukuyang nakakulong na sa custodial facility sa himpilan ng MPD ang suspek, habang nakabinbin ang pagpapalabas ng commitment order nito. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author