dzme1530.ph

5 lalaki, arestado sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Pandacan, Manila

Arestado sa operasyon ng Manila Police District (MPD) ang limang kalalakihan na pawang mga pedicab driver, pintor at elevator technician matapos ang paglabag sa P.D 1602-Illegal Gambling.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang pag-aresto nang magsagawa ang Police Station-10 ng Anti-Illegal Gambling Operation kasama ang mga elemento ng Station Intelligence Branch sa pangunguna ni PLT Vianny Ortiz sa kanilang Area of Responsibility (AOR).

Bandang 10:15 ng gabi sa kahabaan ng Paras St., Kahilum II, Brgy. 868, Pandacan, Manila, namataan ng mga otoridad ang kumpol ng kalalakihan na nagsusugal gamit ang larong dice.

Kinilala ang mga nahuli na sina Geraldo Jumaquio y Erasga, Rogelio Baluyot y Fernandez, Rayman Torre y Reyes, Marlon Burawis y De Magante, Bernardo Mangayon Jr., y Fernandez, parehong mga nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. 868, Pandacan, Manila.

Nahaharap sila sa kasong Illegal Gambling na ngayon ay nakapiit na sa himpilan ng pulisya. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author