dzme1530.ph

Ilang water projects, inaasahang makukumpleto sa katapusan ng 2023 -NWRB

Inaasahan ng National Water Resources Board (NWRB) na makukumpleto sa katapusan ng 2023 ang ilang water projects upang matugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni NWRB Exec. Dir. Sevillo David Jr. na may mga proyekto sa pipeline ng Laguna De Bay at upper Marikina River na makatutulong o magsisilbing alternative source ng water supply sa mga residente sa Metro Manila.

Binigyang-diin din ni David na ang suplay ng tubig sa rehiyon na may halos 13.5-M na populasyon ay nagmumula sa Angat dam.

Kaya naman aniya, naghahanap ang NWRB ng alternatibong mapagkukunan ng suplay ng tubig upang maiwasan ang water interruptions. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author