dzme1530.ph

Poland, nangangailangan ng Filipino skilled workers

Nangangailangan ang Poland ng Filipino skilled workers.

Ayon kay Polish Vice Consul Tomasz Danel, halos taun-taon ay tumataas ang demand ng construction workers, welders, pipe fitters, at drivers.

Matatandaang naglabas ang Polish government ng mahigit 2,000 work permit noong 2022, na mas mataas ng 100% kumpara noong mga nagdaang taon.

Inaasahan naman na sa unang limang buwan ng taong ito ay dadami na ang bilang ng Pinoy skilled workers sa Poland. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author