dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista!

Nagbabadyang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo, sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng ilang oil industry players, aabot sa 50 sentimos hanggang 80 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang nasa 10 sentimos hanggang 40 sentimos ang posibleng tapyas-singil sa kada litro ng diesel.

Samantala, ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, magkakaroon ng hindi kalakihang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Nabatid na karaniwang inaanunsiyo ang price adjustments ng mga kumpanya ng langis tuwing Lunes at ipinatutupad naman ito sa susunod na araw. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author