dzme1530.ph

Sorbetes, Halo-halo, pasok sa ’50 Best Rated Frozen Desserts in the World’

Pasok ang dalawang sikat na panghimagas ng mga Pinoy sa ’50 Best Rated Frozen Desserts in the World’.

Sa inilabas na listahan ng TasteAtlas ngayong 2023, nasungkit ng sorbetes ang ika-5 pwesto sa iskor na 4.5 habang tampok naman sa ika-43 ang halo-halo na nakakuha ng 3.8 points.

Ayon sa TasteAtlas, ang sorbetes ay isang sikat na Filipino ice cream na hinaluan ng flavors gaya ng mango, chocolate, cheese, coconut at purple yam o ube.

Gawa rin ito sa gatas ng kalabaw na anila’y “served in tiny scoops” sa sugar cones ngunit mas paboritong ipalaman ng mga Pinoy sa tinapay.

Habang inilarawan naman ang halo-halo bilang “summer dessert” na punong puno ng iba’t ibang prutas, beans at may toppings na milk o di kaya’y ice cream.

Nanguna naman sa listahan ang bastani sonnati ng Iran na nakakuha ng iskor na 4.7. —sa panulat ni Jam Tarrayo

May be an image of map, magazine, newspaper, poster and text

About The Author