dzme1530.ph

Romnick Sarmenta, isa ng college professor

Masayang ibinahagi ng beteranong aktor na si Romnick Sarmenta na isa na siyang college professor.

Ani Romnick kasalukuyan siyang nagtuturo sa Trinity University of Asia kung saan siya naimbitahan para magturo ng Writing Dramatic Materials for Broadcast Industry, Emerging Media and Behavioral at Social Change Communication Subjects sa ilalim ng Media and Communications Department of College of Arts, Sciences and Education.

Kwento ng aktor, mayroong pagkakataon na may estudyante na nagpa-picture sa kanya dahil idolo siya ng nanay nito, kung kaya’t pabirong tugon ni Romnick, pakiramdam niya ay mas safe siya dahil nanay ng bata ang may crush sa kanya.

Matatandaang si Romnick ang isa sa mga sikat na matinee idol noong 1980s at nakapag-uwi ng iba’t ibang parangal sa larangan ng pelikula at telebisyon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author